Posts

Showing posts from October, 2010

MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN

Image
MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN NI DEMETRIO O. SIBAL Ngayon narito na! ang orihinal at ang katangitanging aklat na kamamalasan ngkarunungang lihim ng KABABALAGHAN na magagawa ng isang tao sa kapakanan ng kanyang sarili, na maligtas sa mga panganib, sa pagkalalaki,walang away, mga panggagayuma sa tao. Ang aklat na ito na pinamagatan kong MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN ay kaganapan ng isang tao sa kanyang pangkasalukuyan tungo sa isang magandang kinabukasan. Kung paano mo makakamtan ang kapangyarihan ng PAG-IBIG, KALUSUGAN, KALIGAYAHAN AT KATANYAGAN at marami pang iba na matutunghayan at matutunana sa aklat na ito, na kapakipakinabang at punong-puno ng kahiwagaan. Ang mga nilalaman ng aklat na ito ya pawang mga orihinal na salita at totong makapangyarihan.                        HANGO SA AKLAT NG KABABALAGHAN Orascion upang di ka maharang ng masasamang loob saan mang lugar.Banggitin mo lamang ito habang ikaw ay naglalakad: MAGDAM TIRGAM JUADARITA ALAAYA SARADOC GEATAO TIAPALA G

ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN

Narito ang orasyon: BUTITAM ------- M. LEBRATUS ----- ----- MARIA -----DOS LOS ----GROS ---- --- AMEN Sinadya ko na putulin ang mga salita upang maitago sa mga mapagsamantala na tao at makasarili na walang inisip kundi ang sarili niyang kapakanan. Ang orasyon na ito ay kinuha ko sa aking hipag na ibinigay ng tatay nya bago ito namatay, nung nakaraang ngang april 2010 ay namatay ang aking byenan dahil sa internal bleeding. Nung siyay nabubuhay pa, tuwing mahal na araw o biyernes santo ay nakikita ko siyang bumubunot ng ngipin, gamit ang kanyang hintuturo at panyong puti, babalutin nya ng panyo ang kanyang hintuturo at gagamitin nya sa pagbunot ng sirang ngipin, himalang nabubunot nya ang sirang ngipin ng isang tao na hindi man lang nasaktan, bubulungan nya ang kanyang hintututro na nakabalot ng panyong puti at pagkatapos ay susungkitin nya ang sirang ngipin at kataka-takang nabubunot nga nya ito. dumudugo lamang ng kaunti at Pagkatapos nyon ay pagmumumugin nya ng malinis na tubig

ANO BA ANG KARUNUNGAN GAMIT NG MANGKUKULAM?

Image
Ang gamit ng mangkukulam upang mangkulam kadalasan ay MANIKA at mga ORASYON O KARUNUNGAN LIHIM din na siyang ginagamit ng mga manggagamot, albularyo, antingero at mga mahilig sa karunungan. Dalawa ang paraan ng kanilang pagpapahirap sa biktima kung tawagin ay KULAM at BARANG. KULAM - Ang KULAM ay kung saan bibigyan ng malubhang sakit o karamdaman ang biktima o kayay pinalalaki ang ari  nito hanggang mauwi sa cancer na siya nitong ikakamamatay. Minsan ay nasaksihan ko ang isang lalaki na malapit lang din dito sa aming lugar na biktima ng kulam na nagpapagamot sa isang kilalang magaling na manggagamot dito sa aming lugar sa laguna. Ang kanyang karamdaman ay di na lumalambot ang kanyang ari at nananatiling matigas. Maaari na ang taong itoy pinakulam ng isa sa mga naging babae nya. Batay sa kanyang salaysay sinabi na siya raw ay babaero, at sa kabila ng kanyang pagiging babaero ay di siya gumamit ng anumang orasyon o karunungan lihim sapagkat siyay walang malay dito, ang gamit lamang n