AKLAT SECRETO NG KABALISTICO
AKLAT SECRETO NG KABALISTICO NI DEMETRIO O. SIBAL Unang pahina ng aklat: Ngayon sa kauna-unahang pagkakataon ay naririto na ang pambihirang AKLAT SECRETO KABALISTICO. Ang kapangyarihan sa KABAL AT KUNAT na magagawa ng tao sa kapakanan ng kanyang sarili na mailigtas sa mga PANGANIB , SA PAGKALALAKI tungo sa kanyang katanyagan. Ang aklat na ito ay lubhang makapangyarihan. Ang sinomang nagnanais ng ganitong kapangyarihan ay makakaasa na magkaroon ng KABAL AT KUNAT sa katawan upang hindi tablan ng bala ng baril o patalim sa loob ng 24 oras at sundin lamang ang mga alituntunin o pamamaraan na dapat gawin ay hindi kayo mabibigo at iyan ay matutupad, at narito pa rin sa aklat na ito ang PAGKOCONSAGRA sa mga gamit (sa Tao, Medalya, Talisman, Rebulto, Librito, at Chaleco.) Ang kabibilin-bilinan ko lamang sa mga taong mag-iingat sa karunungang ito ay dapat tuparin ang pagkahinahon, igalang ang kahinaan ng kapwa at huwag gagamitin sa kasamaan, Sapagkat kapag itoy inyong ginamit sa kasama...